top of page

Pagbabalik-aral sa K-12 kailangan

  • Writer: 1AngEdukasyonParty
    1AngEdukasyonParty
  • Aug 9, 2018
  • 2 min read


K-12 PROGRAM, DAPAT SURIIN. Kailangang pagbalik-aralan ang K-12 ng Department of Education. Ito ang sinabi ni Alliance of Concerned Teachers Rep. France L Castro sa Wednesday Roundtable @ Lido.


MAS MAHALAGA ANG KALIDAD KAYSA PANAHON. Naniniwala naman si Congressman Bayani Fernando na wala sa haba ng panahon sa paaralan ang tagumpay ng mag-aaral kungdi sa kalidad ng kanyang pinag-aralan.


KABATAAN DAPAT MAGABAYAN. Ito ang paniwala ni 1-Ang Edukasyon Party List Salvador B. Belaro, Jr. Sa pamamagitan ng mabisang Guidance and Counseling program, matutulungan ang mga kabtaang magdesisyon kung ano'ng pag-aaralan sa kolehiyo.


FREE TUITION MALAKING BAGAY. Naniniwala si Commission on Higher Education officer-in-charge Dr. Prospero de Vera III na madaragdagan ang mga papas sa Kolehiyong saklaw ng pamahalaan dahil sa free tuition program ng gobyerno

Pagbabalik-aral sa K-12 kailangan


NANINDIGAN si Alliance of Concerned Teachers Representative France L. Castro na kailangang pagbalik-aralan ang K-12 program ng pamahalaan sapagkat nakalimang taon na ito.


Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni Congresswoman Castro na kailangang suriin kung nakatulong ba and bagay na ito sa mithi ng pamahalaang mapahusay ang kakayahan ng mga mag-aaral mula sa elementarya hanggang sa Senior High School.


Samantala, sinabi ni Marikina Congressman Bayani Fernando na hindi siya kumbinsido sa mas mahabang pag-aaral ng mga kabataan. Ang mahalaga umano ay ang kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral. Sa kanyang pagsusuri, aabot lamang sa 20% ng mga aklat ang nabubuklat ng mga mag-aaral sa elementarya.


Para kay 1-Ang Edukasyon Congressman Salvador Belaro, Jr., ang mahalaga ay magabayan ang mga kabataan sa basic education kung ano ang tatahaking direksyon sa pamamagitan ng epektibong guidance and counseling program.


Naniniwala naman si Commission on Higher Education (CHED) Officer-In-Charge Dr. Prospero de Vera III na marami ang makikinabang sa free tuition program ng pamahalaan sapagkat ang mahihirap na determinadong mag-aral ay makapagpapatuloy na sa kolehiyo.

 
 
 

Recent Posts

See All

ความคิดเห็น


bottom of page