top of page

DICT, pinagpapaliwanag sa bagsak na gov’t websites

Updated: Jul 24, 2018



Isinisi ni Una ang Edukasyon partylist Rep. Salvador Belaro Jr., sa offline na websites ng Official Gazette at ng Department of Science and Tehnology (DOST) ang kalituhan sa suspensiyon ng klase kahapon.


Ayon kay Belaro, naging pahirapan ang komunikasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at PAGASA.


Dahil dito’y pinagpapaliwanag ng kongresista ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kung anong naging problema sa server.


“They also better start preparing for a possible congressional investigation or for intense scrutiny of their 2019 budget,” babala ni Belaro.


Kasabay nito’y pinagsabihan din ng kongresista ang mga lokal na opisyal na basta na lamang nagsuspinde ng klase nang walang sapat na basehan.


Sabi ni Belaro, meron namang tao sa PAGASA, 24-oras, kaya puwedeng tumawag dito para alamin ang magiging lagay ng panahon.


Kahapon, maraming lugar ang nagkansela ng klase pero hindi nangyari ang inaasahang malakas na ulan dahil sa bagyo na sinabing makaaapekto sa hanging habagat. (END)


Serrano, Pearl. "DICT, pinagpapaliwanag sa bagsak na gov’t websites." Abante, 10 July 2018, tnt.abante.com.ph/dict-pinagpapaliwanag-sa-bagsak-na-govt-websites/.

9 views0 comments
bottom of page